Bilang tugon sa paglulunsad ng missile kahapon madaling araw ng Hilagang Korea, pangkagipitang nagpatawag ng pulong kahapon ng umaga si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa mga may-kinalamang departamento at organo ng pamahalaan. Hiniling niya sa kanila na makipagkooperasyon sa Amerika at Timog Korea para agarang isagawa ang pagkolekta at pag-analisa sa mga impormasyon.
Ayon sa Japanese media, dahil walang pormal na relasyong diplomatiko sa pagitan ng Hapon at Hilagang Korea, sa pamamagitan ng diplomatikong tsanel ng Beijing, iniharap ng panig Hapones ang protesta sa panig Hilagang Koreano.
Salin: Li Feng