Nagpulong kaninang umaga ang naghaharing koalisyon ng Hapon at nagkasundo ito sa panukalang resolusyon ng pamahalaan hinggil sa pag-aalis ng pagbabawal sa collective self-defense. Pagkatapos, pormal na pinagtibay kaninang hapon ng pamahalaang Hapones ang resolusyong ito.
Ang pag-aalis ng pagbabawal sa collective self-defense ay palatandaan ng malaking pagbabago sa "defense stance" ng Hapon na itinakda ng pangkapayapaang Konstitusyon nito pagkatapos ng World War II.
Samantala, bilang pagtutol sa naturang kapasiyahan ng pamahalaan ni Punong Ministro Shinzo Abe, idinaos kagabi ng mahigit sampung libong mamamayang Hapones ang malaking demostrasyon sa harapan ng tanggapan ng punong ministro. Kaninang umaga naman, nagtipun-tipon pa sa lugar na ito ang halos dalawang libong tao para ipagpatuloy ang protesta.
Salin: Liu Kai