Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangalawang Pangulong Mohammad Hamid Ansari ng Indya.
Ipinahayag ni Xi na bilang magkapitbansaan, dapat buong husay na paunlarin ng Tsina at Indya ang relasyong pangkaibigan. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng bagong pamahalaan ng Indya, na pasulungin sa mas mataas na antas ang estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Ansari na ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan ng Indya at Tsina ay angkop sa saligang interes ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan. Nakahanda aniya ang Indya, kasama ng Tsina, na palakasin ang pagpapalagayan at pagtutulungan, at maayos na lutasin ang mga pagkakaiba ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai