Dumating kaninang tanghali ng Seoul, Timog Korea, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang dalaw na pang-estado sa bansang ito. Nauna rito, nagpalabas si Pangulong Xi ng may lagdang artikulo sa tatlong pahayagan ng T.Korea, at iniharap niya ang apat na pinakamahalagang aspekto para mapaunlad ang relasyong Sino-T.Koreano.
Ayon sa artikulo, ang naturang apat na aspekto ay una, igiit ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at palakasin ang pagtitiwalaan; ikalawa, igiit ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at dagdagan ang mga komong interes; ikatlo, igiit at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito; at ikaapat, igiit ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sa artikulong ito, ipinahayag din ni Xi na nasa bagong simula ngayon ang relasyong Sino-T.Koreano. Nananalig aniya siyang ang kooperasyon ng Tsina at T.Korea ay makakatulong hindi lamang sa mabilis na pag-unlad ng dalawang bansa mismo, kundi maging sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Salin: Liu Kai