Sa loob ng darating na 45 araw simula ngayong araw, ipapalabas ng State Archives Administration ng Tsina sa official website nito ang mga written confession ng 45 war criminals na Hapones na nilitis ng mga military tribunals sa Tsina pagkatapos ng World War II. Ang mga ipapalabas ay kinabibilangan ng mga confession sa original text na wikang Hapones, translated verison sa wikang Tsino, at abstract ng mga confession sa kapwa wikang Tsino at Ingles.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Li Minghua, Pangalawang Direktor ng nabanggit na administrasyon, na malinaw na ipinakikita ng mga confessions ang mga war crimes na ginawa ng tropang Hapones sa pananalakay sa Tsina, na gaya ng pagpaplano at pagsasagawa ng mga hakbanging mapanalakay, paggawa ng germ weapons, pagpapabuga ng nakakalasong gas, paggawa ng eksperimento sa mga buhay na tao, pamamaslang, pagnanakaw, pagwawasak ng mga lunsod at bayan, pamimilit sa mga babae na maging "comfort women," panggagahasa, pagpapalayas ng mga sibilyan, at iba pa.
Salin: Liu Kai