Lumisan ng Beijing ngayong umaga si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalawang-araw na pagdalaw sa Timog Korea.
Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Xi sa Timog Korea sapul nang manungkulan siya bilang pangulo.
Nakatakdang makipag-usap si Pangulong Xi sa kanyang counterpart sa Timog Korea na si Park Geun-hye at iba pang mga lider ng Timog Korea. Magtatalumpati rin si Xi sa Seoul National University. Lalahok din siya sa mga aktibidad na pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Jade