|
||||||||
|
||
Sa Beijing — Idinaos ngayong araw ang isang akademikong simposyum hinggil sa salansan ng archives of Jilin Province tungkol sa pananalakay ng Hapon sa Tsina. Dumalo sa simposyum ang mahigit 50 kinatawan mula sa iba't-ibang lugar ng Tsina.
Sa simposyum, ipinahayag ni Su Zhiliang, Puno ng College of Humanities and Communication ng Shanghai Normal University, na pagkaraang aprobahan ng mataas na antas ng hukbong Hapones, sa pamamagitan ng Central Bank of Manchukuo, 532 libong Japanese Yen ang naihatid ng Japanese 7990 Army sa loob ng ilang buwan. Ang pondong ito ay ginamit sa puwersahang paghahanap ng mga comfort women at pagbubukas ng brothels.
Noong Abril ng taong ito, isinapubliko ng archives of Jilin Province ang unang batch ng bunga ng pag-aaral kung saan ibinunyag ang isinagawang krimen ng hukbong Hapones sa proseso ng pagsalakay sa Tsina.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |