|
||||||||
|
||
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Seoul National University
Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Timog Korea, bumigkas ngayong araw ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Seoul National University.
Binanggit ni Xi ang hinggil sa pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at T.Korea. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng T.Korea, na isakatuparan ang komong pag-unlad, pangalagaan ang kapayapaan ng rehiyong ito, at pasulungin ang pag-ahon ng Asya at kasaganaan ng daigdig.
Binanggit din ng Pangulong Tsino ang hinggil sa kinabukasan ng Tsina. Aniya, igigiit ng Tsina ang pangangalaga sa kapayapaan, pagpapasulong sa kooperasyon ng iba't iba't bansa, at paghiram ng mga maunlad na karanasan ng ibang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |