Opisyal na inilunsad ngayong araw ang National Memorial website ng Tsina.
Ito ang isa pang hakbang na ginawa ng bansa bilang pagluluksa sa mga nabiktimang Tsino sa panahon ng digmaang mapanalakay ng Hapon, na kinabibilangan ng mga nabiktima ng Nanjing Massacre noong 1937. Nauna rito, itinakda ng Tsina ang ika-13 ng Disyembre ng bawat taon bilang national memorial day para sa mga nabiktima ng Nanjing Massacre.
Sa kasalukuyan, ang naturang website ay nasa mga wikang Tsino, Ingles, at Hapones. Sa ika-13 ng darating na Disyembre ng taong ito, ipapalabas din ang mga bersyon sa mga wikang Rusyano, Pranses, Aleman, at Koreano.