Ipinahayag ngayong araw ni Zhu Chengshan, Direktor ng Memorial Hall of the Victims in Nanjing Massacre by Japanese Invaders, na umaasa silang bago ang ika-13 ng darating na Disyembre ng taong ito, magpaparehistro sa listahan ang tatlong libong kamag-anakan ng mga nabiktima ng digmaang mapanalakay ng Hapon laban sa Tsina.
Sinabi ni Zhu na kasunod ng paglipas ng panahon, yumayao ang parami nang paraming nakaligtas sa digmaang mapanalakay ng Hapon laban sa Tsina at kani-kanilang mga kamag-anakan. Kaya aniya, ang nabanggit na gawain ay naglalayong panatilihin ang mga rekord ng kasaysayan ng digmaang ito.