Inilunsad kahapon ng tropa ng pamahalaan ng Ukraine ang atake sa mga milisya sa Sloviansk, lunsod sa silangan ng bansang ito. Pagkatapos ng ilang oras na pakikibaka, muling nakontrol ng tropa ng pamahalaan ang naturang lunsod.
Ipinahayag ni Oleksander Turchynov, Ispiker ng Parliamento ng Ukraine, na ang naturang operasyong militar ay isang turning point patungo sa pagbawi ng pamahalaan sa lahat ng mga lunsod sa silangan ng bansa.
Bilang tugon, ipinatalastas naman kahapon ng Ministring Panlabas ng Rusya, ang pansamantalang paghinto sa paglilipat ng mga sandata, kasangkapang militar, at iba pang materyal sa pamahalaan ng Ukraine. Ang mga ito ay nasa loob ng Crimea, na bahagi na ngayon ng Rusya. Anang ministri, ito ay bilang pagtutol sa operasyong militar ng pamahalaan ng Ukraine sa mga lugar sa silangan ng bansang ito.