Ayon sa komentaryong ipinalabas ngayon ng Xinhua News Agency, noong ika-7 ng Hulyo ng taong 1937, lantarang binomba ng tropang Hapones ang lunsod ng Wanping ng Tsina, at nalikha ang "Lugou Bridge Incident" na ikinabigla ng Tsina at mga bansang dayuhan. Ito anang komentaryo ay palatandaan ng pagsisimula ng komprehensibong mapanalakay na digmaan ng Hapon laban sa Tsina, at ito rin ang simula ng Anti-Japanese War ng buong sambayanang Tsino. Ngayon, 77 taon ang nakalipas, sapul nang maganap ang naturang insidente, marami pa rin ang mga magulong kaalaman at maling palagay sa loob ng Hapon hinggil sa sanhi at sustansiya ng insidenteng ito: lalong lalo na ang pagtatangka ng rehimen ni Shinzo Abe na pilipitin ang ideyang historikal, sa sunod na henerasyon, bagay na nakatawag ng lubos na pagmamatyag, dagdag pa ng komentaryo.
Kaugnay ng pag-aalis ng ban sa self-defense right ng Hapon, isang porum ang idinaos kamakailan ng mahigit sampung bantog na iskolar ng Hapon. Nagbabala sa porum ang mga iskolar, na lumitaw na ang tunguhin ng constitutional dictatorship sa sirkulong pulitikal ng bansa.
Salin: Li Feng