Ipinatalastas kahapon ng panig militar ng Ukraine na pagpasok ng buwang ito, pinanumbalik nila ang operasyong militar sa mga lugar sa silangan ng bansa, at muling napasakamay ang ilang lunsod na sinakop minsan ng mga lokal na sandatahang grupo. Sa gayon anito, ganap na nakokontrol ng tropa ng pamahalaan ang hanggahan sa pagitan ng Ukraine at Rusya.
Bilang tugon sa kalagayan sa silangang bahagi ng Ukraine, nagpahayag naman kahapon si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ng pagkondena sa mga ilegal na aktibidad ng mga lokal na sandatahang grupo, at nanawagan din siya sa pamahalaan ng Ukraine na igarantiya ang kaligtasan ng mga sibilyan sa rehiyong ito. Inulit din ni Ban na hindi malulutas ang isyu sa silangang bahagi ng Ukraine sa pamamagitan lamang ng paraang militar, at ang pinakamahalaga sa kasalukuyan ay pagsasakatuparan ng pangmatagalang tigil-putukan sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai