Ipinahayag kahapon ng isang mataas na opisyal ng Ukraine na hindi isasagawa ng kanyang pamahalaan ang pakikipagtalastasan sa mga "terorista" sa dakong silangan ng bansa.
Binigyang-diin din ng Rusya na sa komong palagay ng tigil-putukan na narating ng mga Ministrong Panlabas ng Alemanya, Pransya, Rusya, at Ukraine sa Berlin noong ika-2 ng buwang ito, hindi inilagay ang anumang paunang kondisyon. Ani Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, dapat bawiin ng pamahalaan ng Ukraine ang "ultimatum" sa armadong grupo ng bansa, at dapat ding kanselahin ang lahat ng paunang kondisyon. Aniya pa, dapat ituring ng Ukraine ang armadong grupo bilang kabilang panig sa talastasan.
Salin: Li Feng