Idinaos kahapon at ngayong araw sa Hong Kong, Tsina, ang unang pulong ng komite sa talastasang pangkalakalan ng Hong Kong at ASEAN. Lumahok sa pulong ang mga kinatawan mula sa sampung bansang ASEAN at Esepsyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, Tsina. Ito ay palatandaang pormal na sinimulan ang talastasan ng kasunduan sa malayang kalakalan ng dalawang panig.
Sinabi ng kinatawang taga-Hong Kong na ang ASEAN ay mahalagang trade partner ng Hong Kong, at ang pagsisimula ng naturang talastasan ay mahalagang muhon ng paglahok ng Hong Kong sa integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.
Salin: Liu Kai