Sa Guiyang, lalawigang Guizhou, Tsina-Nag-usap dito kahapon ng hapon sina Dai Bingguo, dating Kasangguni ng Estado ng Tsina at Surakiat Sathirathai, Puno ng Konseho ng Kapayapaan at Rekonsilyasyon ng Asya at dating Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na dumalo sa 2014 Anuual Eco Forum Global Conference.
Sinabi ni Dai na kung paanong mapapangalagaan ang kapaligirang ekolohikal habang pinasusulong ang kabuhayan at pinabubuti ang pamumuhay ng mga mamamayan ay ang komong tungkuling isinasabalikat ng ibat-ibang bansa sa daigdig. Umaasa aniya siyang mapapahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Thailand lalo na sa pagbabahaginan ng mga karanasan sa konstruksyon ng ecological civilization. Sinabi naman ni Surakiat Sathirathai na nagkatimo sa kanyang isip ang magandang kapiligirang ekolohikal sa Guizhou. Ang kasalukuyang porum ay gaganap ng positibong papel sa progreso ng usaping ito sa daigdig, dagdag pa niya.