Nagpalabas ngayong araw ng editoryal ang pahayagang Tokyo Shimbun ng Hapon, na nagpapahayag ng pagdududa at pagkabahala sa sobrang pagbibigay-diin ni Punong Ministro Shinzo Abe sa isyung militar sa diplomasya.
Ayon sa editoyal, sa kanyang talumpati kamakailan sa Parliamento ng Australya, pinabulaanan ni Abe ang pangkapayapaang patakarang panseguridad na pinaiiral ng Hapon pagkatapos ng World War II. Sinabi rin ni Abe na makikipag-ambag ang Hapon sa kapayapaan ng daigdig sa pamamagitan ng pagsasagawa ng collective self-defence at pagluluwas ng mga sandata.
Bilang tugon sa naturang talumpati, tinukoy ng editoryal na ang paggigiit sa pasipismo at pagbibigay-ambag sa mga larangang hindi militar ay pangunahing dahilan kung bakit natatanggap ng Hapon ang positibong pagtasa ng komunidad ng daigdig pagkatapos ng WWII. Pero anito, sa kasalukuyan, ipinagwawalang-bahala ng pamahalaan ni Abe ang pasipismo, at ito ay posibleng makapinsala sa tiwala ng komunidad ng daigdig sa Hapon, at magdulot ng mga negatibong isyu.