Pinagtibay kahapon ng Komite sa Diplomasya at Unipikasyon ng Parliamento ng Timog Korea ang resolusyon kung saan kinokondena ang pag-aalis ng pamahalaan ng Hapon ng pagbabawal sa collective self-defence.
Anang resolusyon, ang naturang aksyon ng Hapon ay isang probokasyong diplomatiko, at ito ay nagsisilbing banta sa kapayapaan at katatagan ng Hilagang Silangang Asya.
Hinimok din ng Parliamento ng T.Korea ang pamahalaan ng Hapon na agarang itigil ang mga aksyong salungat sa agos ng kasaysayan, buong tapat na pagsisihan ang kasaysayang mapanalakay, at ipakita ang responsableng pakikitungo sa mga may kinalamang isyu.