Nang kapanayamin siya kamakailan ng mga mamamahayg na Tsino, sinabi ni Alicia Dela Rosa Bala, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN sa Suliranin ng Lipunan at Kultura, na ang pagpapalalim sa pagpapalitang kultural ng Tsina at ASEAN ay makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa relihiyon, kasaysayan, at sibilisasyon ng dalawang panig.
Aniya, nilagdaan ng Tsina at ASEAN ang Memorandum of Understanding sa Kooperasyong Kultural, noong Agosto ng taong 2005 at Deklarasyon sa Estratehikong Partnership ng Tsina at ASEAN para sa Kapayapaan at Kasaganaan,noong 2010. Ito aniya'y mahalagang bahagi sa kooperasyong kultural ng dalawang panig.
Sinabi rin niyang sa magkasanib na deklarasyong inilabas sa ika-16 na Summit ng Tsina at ASEAN na idinaos noong Oktubre, 2013, itinakda ang taong 2014 bilang "Taon ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at ASEAN." Ito aniya'y makakatulong sa pagtutulungan at pag-uunawaan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.