|
||||||||
|
||
MAY 11 mga Filipino na naninirahan sa Gaza Strip sa Israel ang humiling ng tulong upang makauwi kaagad sa bansa sa gitna ng labanan ng mga armadong Palestino at Israeli.
Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, may koordinasyon na upang mailikas ang mga Filipino na kinabibilangan ng tatlong babaeng kjasal sa mga Palestino, kasama ang kanilang mga anak na may pasaporte ng Pilipinas. Ang United Nations ang namumuno sa paglilikas ng mga banyaga mula sa Gaza Strip. Ito ang unang grupo ng mga Filipino na humiling ng repatriation mula ng pagpatupad ang Pilipinas ng Crisis Alert Level 3 o voluntary repatriation phase para sa Gaza Strip.
Ayon kay Asst. Secretary Charles Jose, kukunin sila ng United Nations sa Gaza. Mayroong 700 mga banyaga na kinukuha ang United Nations. Hindi nila makakasama ang kanilang mga esposo sa paglikas.
Mula sa Gaza, dadalhin sila sa hangganan ng Israel at mula doon, sasalubungin sila ng mga kagawad ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv at dadalhin sa hangganan ng Israel at Jordan. Aalamin muna ng Pilipinas kung papayagan silang makalabas sa pamamagitan ng Israel.
Ang masidhing sagupaan sa pag-itan ng Israel at mga Palestino ang sumiklab na muli kaya't nais ng Pilipinas na makauwi ang 108 mga Filipino sa Gaza Strip.
Handa umano ang mga Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Tel Aviv at Amman na tumulong sa mga nagnanais umalis ng Gaza Strip.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |