Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong Mayo ng taong ito, umabot lamang sa 378 milyong dolyares ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng gulay sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Ito ay bumaba ng 5.5% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, 139 milyong dolyares lamang ang kabuuang halaga ng gulay na inaangkat ng Tsina mula sa mga bansang ASEAN, na bumaba nang 15.2% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Samantala, 239 milyong dolyares naman ang bolyum ng mga gulay na iniluluwas ng Tsina sa ASEAN. Tio ay lumaki nang 1.3% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.