Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na isinagawa sa "981 Oil Platform" ng Tsina ang geological drilling operations sa karagatang malapit sa Zhongjian Island ng Xisha Islands, South China Sea, mula noong ika-2 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hulyo. Dagdag pa ni Hong, tapos na ngayon ang mga katugong gawain. Itatakda ng mga bahay-kalakal na Tsino ang plano sa hinaharap, batay sa natamong impromasyong heolohikal, dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Hong na walang duda ang soberanya ng Tsina sa Xisha Islands at karagatan sa paligid nito. Kaya, ang operasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina doon ay suliraning panloob ng bansa.