|
||||||||
|
||
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay lumahok sa Ika-6 Pagtatagpo ng mga lider ng BRICS countries na idinaos kamakailan sa Fortaleza, Brazil.
Sa kanyang talumpati na binigkas sa naturang pagtatagpo, nilagom ni Pangulong Xi ang karanasan ng kooperasyon ng mga bansa ng BRICS at iniharap ang direksyon ng kooperasyon sa hinaharap. Ipinahayag niyang nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng BRICS countries, para magbigay ng mas malaking ambag upang mapangalagaan ang kapayapaan ng daigdig at mapasulong ang magkakasamang pag-unlad.
Ipinahayag rin ni Pangulong Xi na dapat samantalahin ng BRICS countries ang bukas na diwa para mapaunlad ang mas mahigpit, mas komprehensibo at mas matatag na partnership.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |