Sa Fortaleza, Brazil. Lumagda dito kamakailan ang Tsina, Brazil, Rusya, India at South Africa sa kasunduan hinggil sa pagtatatag ng Development Bank ng BRICS at Emergency Plan ng BRICS. Ayon sa naturang kasunduan, ang punong himpilan ng naturang bangko ay nasa Shanghai ng Tsina.
Ayon sa kasunduan, ino-nominate ng Rusya ang kauna-unahang tagapangulo ng konseho ng naturang bangko, ino-nominate naman ng Brazil ang kauna-unahang tagapangulo ng Board of Directors, at ino-nominate naman ng India ang kauna-unahang puno ng bangko.
Salin:Sarah