ISANG pang-rehiyong pagpupulong ang idaraos sa Maynila sa ika-14 ng Agosto upang makakuha ng dagdag na tulong at makakilala ng kabalikat ng Pamahalaan ng Pilipinas na maipatupad ang pambansa at panglungsod at bayang recovery at rehabilitation plans matapos humagupit si "Yolanda" o "Haiyan" noong Nobyembre.
Ayon kay Ambassador Elizabeth P. Buensuceso, ang Permanent Representative ng Pilipinas sa ASEAN, sa isang pre-conference briefing na dinaluhan ng mga kasapi ng diplomatic corps, media at pribadong sektor sa ASEAN Secretariat sa Jakarta noong Martes, ika-15 ng Hulyo.
Ani Ambassador Buensuceso, ang ASEAN High-Level Conference ay ipinatawag ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs at ng Office of the Presidential Assistant for Recovery and Rehabilitation (OPARR). Kasama na rin ang Secretary-General ng ASEAN. Ang pagpupulong na ito ang magdudulot ng kakayahang bumuo ng epektibo at maayos na palatuntunan sa pagtugon sa mga trahedyang dulot ng kalikasan.