|
||||||||
|
||
Sa news briefing na idinaos kaninang madaling araw sa Kuala Lumpur, sinabi ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na ipinatalastas ng International Civil Aviation Organization na ligtas ang ruta ng MH17, at kinumpirma rin ng International Air Transport Association na hindi dumaan ang eroplanong ito ng non-fly zone. Dagdag pa niya, ayon sa Malaysia Airlines, hindi nagpadala ang eroplano ng SOS signal, at hindi pa tiyak sa ngayon ang sanhi ng trahedyang ito.
Pagkaraang maganap ang naturang insidente, magkakasunod na pinabulaanan ng pamahalaan ng Ukraine at mga lokal na sandatahang puwersa sa silangang bahagi ng bansang ito ang kani-kanilang kaugnayan sa insidente.
Pero, sinabi kagabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na dapat managot sa insidenteng ito ang pamahalaan ng Ukraine. Aniya, ang operasyong militar na isinasagawa ng pamahalaan ng Ukraine sa silangang bahagi ng bansang ito ay ang sanhi ng naturang trahedya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |