Ipinahayag kagabi ng Tsina ang kalungkutan sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Sa ngalan ng Pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pakikidalamhati sa pamilya ng mga nasawi sa naturang insidente. Ipinaabot din ni Qin ang pangungumusta sa mga ito.
Umaasa aniya ang Tsina na iimbestigahan kaagad ng mga may kinalamang bansa ang dahilan ng trahediya. Buong-higpit na susubaybayan aniya ng Tsina ang pangyayaring ito.
Bumagsak kagabi sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya ang Flight MH17 ang Malaysia Airlines habang lumilipad mula sa Amsterdam patungong Kuala Lumpur.
Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng lahat ng 283 nasawing pasahero sa nasabing Boeing 777 na eroplano ng Malaysia Airlines. Labinlimang tripulante ang namatay rin sa insidente.
Ayon sa Embahada ng Tsina sa Malaysia, walang kumpirmadong mamamayang Tsino ang nakasakay sa bumagsak na eroplano.
Salin: Jade