|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon ng UN Security Council ang pangkagipitang pulong hinggil sa insidente ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Sa pulong na ito, kinondena ni Jeffrey Feltman, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang insidenteng ito, at sinabi niyang ang naturang eroplano ay sadyang pinabagsak. Ipinahayag din niyang sa kasalukuyan, hindi kayang isagawa ng UN ang nagsasariling pagsisiyasat sa insidente, at nakikipag-ugnayan ito sa International Civil Aviation Organization, para koordinahan ang mga isyu ng pagsisiyasat.
Bagama't wala pang pagsisiyasat, sinimulan na ang pagtatalo sa pagitan ng Rusya at Ukraine hinggil sa insidenteng ito. Kapwa nila binatikos ang isa't isa sa pagkakaroon ng responsibilidad sa pagkaganap ng insidente.
Samantala, ipinahayag naman sa pulong ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na hindi dapat padaskul-daskol na gumawa ng konklusyon ang iba't ibang panig hinggil sa insidenteng ito. Nanawagan din siya sa mga may kinalamang panig na itigil ang pagbatikos sa isa't isa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |