Sinabi kahapon ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na batay sa mga regulasyon ng International Civil Aviation Organization, pamumunuan ng pamahalaan ng Ukraine ang pagsisiyasat sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Nang araw ring iyon, itinatag ng panig opisyal ng Ukraine ang espesyal na lupong tagapagsiyasat sa insidenteng ito, at inaanyayahan nito ang mga may kinalamang bansa at organisasyong pandaigdig para tumulong sa pagsisiyasat.
Samantala, ipinahayag naman ng mga lokal na sandatahang puwersa sa silangang bahagi ng Ukraine na makikipagtulungan sila sa pamahalaan ng Ukraine sa pagsisiyasat, at igagarantiya nila ang kaligtasan ng mga tagapagsiyasat na pumasok sa lugar na pinangyayarihan ng insidente.