Pagkaraan ng Pilipinas, sinalanta kahapon at ngayong araw ng super typhoon Rammasun o tinatawag na bagyong Glenda sa Pilipinas ang mga lugar sa katimugang bahagi ng Tsina na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Hainan at Guangdong at rehiyong awtonomo ng Guangxi.
Kabilang dito, grabe ang kalamidad sa Guangxi at apektado ang mahigit 1.5 milyong residente sa lokalidad. Sa Guangdong naman, mahigit 100 libong residente ang inilikas mula sa pinakagrabeng apektadong lugar. At sa Hainan naman, ngayon pa lamang napapanumbalik ang naputol na trapiko sa mga apektadong lunsod.