Natapos kaninang madaling araw sa Vienna, Austria, ang ikaanim na round ng diyalogo hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Dahil sa malaking pagkakaiba sa ilang masusing isyu, hindi narating sa pulong ang burador na kasunduan hinggil sa komprehensibong paglutas sa isyung nuklear ng Iran. Sinang-ayunan ng iba't ibang kalahok na panig na palugitan hanggang sa ika-24 ng darating na Nobyembre ng taong ito ang taning sa pagkakaroon ng naturang burador.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang Qun, kinatawang Tsino na kalahok sa naturang diyalogo, na kinakatigan ng kanyang bansa ang pagpapalawig ng taning, at ito ay makakabuti sa pagkakaroon ng isang perpektong kasunduan sa bandang huli.
Ipinahayag naman ng White House na bagama't umiiral pa rin ang pagkakaiba, may pag-asang marating ang komprehensibong kasunduan hinggil sa paglutas sa isyung nuklear ng Iran.