|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon nina Catherine Ashton, Mataas na Komisyoner ng Unyong Europeo (EU) na namamahala sa mga siliraning panlabas at panseguridad, at Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran na palulugitan ang deadline ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran hanggang sa ika-24 ng Nobyembre ng taong 2014.
Natapos kahapon sa Vienna ang ika-6 na round ng talastasan hinggil sa isyung ito na isinagawa ng Amerika, Rusya, Tsina, Britanya, Alemanya, Pransya at Iran.
Ayon sa isang pahayag na ipinalabas pagkatapos ng ika-6 na round ng talastasan, natamo ang progreso, pero nananatili pa rin ang hidwaan sa ilang nukleong isyu. Kaya isasagawa ng naturang mga bansa ang mga bagong round ng talastasan sa hinaharap.
Bukod dito, patuloy na isasakatuparan ng iba't ibang may kinalamang panig ang mga pangako bago ang ika-24 ng Nobyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |