Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Chen Zhou, mataas na opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na namamahala sa mga suliranin ng Asya, na tinututulan ng kanyang bansa ang paggamit ng ibang bansa ng isyu ng South China Sea para makapinsala sa kooperasyong Sino-ASEAN.
Winika ito ni Chen sa isang news briefing hinggil sa China ASEAN Expo. Dagdag pa niya, ang isyu ng South China Sea ay hindi isyu sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at dapat panatilihin ng iba't ibang panig ang magandang atmospera ng kooperasyong Sino-ASEAN. Pero, hindi nagbigay-komento si Chen sa tanong ng mamamahayag hinggil sa kung maaapektuhan o hindi ng kasalukuyang tensyon sa South China Sea ang kalakalan ng Tsina sa ilang may kinalamang bansa na gaya ng Biyetnam.
Salin: Liu Kai