|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang suporta ng pamahalaang Tsino sa nagsasarili, makatwiran at obdyektibong imbestigasyon sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines. Ipinagdiinan ni Liu na ang International Civil Aviation Organization (ICAO) ang kailangang magkaroon ng matingkad na pangunahing papel sa imbestigasyon.
Pinagtibay kahapon ng UN Security Council ang resolusyon na humihimok sa iba't ibang panig na makipagkoordina sa pandaigdig na imbestigasyon sa trahediya.
Muling ipinahayag ng kinatawang Tsino ang kalungkutan sa trahediya. Ipinahayag din niya ang pagluluksa sa mga nasawi at ang pakikidalamhati sa kanilang kamag-anak.
Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya nitong nagdaang Huwebes habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tripulanteng sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |