Sinabi kahapon ni Yang Xiuping, Embahador ng Tsina sa ASEAN na ang ASEAN ay priyoridad na direksyon sa konstruksyon ng "Silk Road sa Dagat sa Ika-21 Siglo". Sa hinaharap, tiyak na magiging napakaganda ng pagtutulungan ng dalawang panig.
Sinabi ni Yang na sa kasaysayan, ang Tsina at ASEAN ay mayroong karanasan ng magkasamang paggagalugad sa silk road sa dagat;sa kasalukuyan, mayroon ding komong pangangailangan ang dalawang panig sa kooperasyon para maisakatuparan ang mas malaking pag-unlad na may mutuwal na kapakinabangan.
Salin:Sarah