Pagkatapos ng pag-uusap na idinaos kahapon sa Phnom Phen sa pagitan nina Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya at Pangalawang Pangulo ng Cambodia People's Party (CPP), naghaharing partido ng bansa at Sam Rainsy, Pangulo ng Cambodia National Rescue Party (CNRP), partido oposisyon ng Kambodya, ipinatalastas ng CNRP na tapusin na ang isang taong paglaban sa pamahalaan, at lumahok sa kongreso.
Ipinahayag ni Hon Sen na matagumpay ang nasabing talastasan. Ayon naman kay Sam Rainsy, sinira ng nasabing pag-uusap ang deadlock sa pulitika ng dalawang partido pagkaraan ng halalan.
Salin: Andrea