|
||||||||
|
||
Pumasok kahapon sa ika-16 na araw ang "Operation Protective Edge" na inilunsad ng Israel sa Gaza Strip. Hanggang sa ngayon, mahigit 650 mamamayang Palestino ang nasawi sa sagupaan, at mahigit 4,300 iba pa ang nasugatan. Dalawampu't siyam na sundalo at 3 sibilyang Israeli naman ang nasawi.
Magkasunod na nakipagtagpo nang araw ring iyon si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, kina Pangulong Shimon Peres, at Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel. Nakausap din niya si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN na kasalukuyang nagsasagawa ng medyasyon sa pagitan ng Palestina at Israel. Bukod dito, pumunta siya sa Ramallah para katagpuin si Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina.
Sa ika-21 espesyal na pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Geneva, sinabi kahapon ni Wu Hailong, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na ipinalalagay ng panig Tsino na ang pinakamahalagang bagay sa kasalukuyan ay ang agarang pagtitigil ng sagupaan ng iba't-ibang may kinalamang panig ng Palestina at Israel. Dapat din anitong itigil ang anumang aksyong posibleng humantong sa paglala ng maigting na situwasyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |