Ipinasiya kamakailan ng sesyong plenaryo ng pamahalaan ng Indonesya na magkaloob ng 1 milyong dolyares sa Palestina bilang tulong sa tinamong kasuwalti nito dahil sa mga atake ng Israel.
Gumawa rin sila ng mga resolusyon hinggil sa isyu ng Palestina, una, hinimok ng Indonesya ang Israel at Palestina na ititigil ang aksiyong militar; ika-2, nanawagan sa dalawang bansa na isakatuparan ang tigil-putukan sa ilalim ng pagmomoniter ng UN; at ika-3, magpapadala ang Indonesya ng Ministrong Panlabas sa rehiyong ito para sa medyasyon.
salin:wle