|
||||||||
|
||
Kamakailan, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay nagpadala ng mensahe kay Joko Widodo bilang pagbati sa panunungkulan ng huli bilang pangulo ng Indonesiya.
Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Indonesiya ay mayroong mutuwal na kapakinabangan sa bilateral at multilateral at rehiyonal na antas. Sa kasalukuyan, ang relasyon ng dalawang bansa ay nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan at kinakaharap ang malaking pagkakataon ng pag-unlad. Umaasa aniya siyang magkasamang makapagsisikap ang dalawang bansa para mapasulong ang malalim na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Indonesiya, makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at makapagbigay ng mas malaking ambag para sa kapayapaan, katatagan at pag-unlad ng rehiyong ito at buong daigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |