Nagtipun-tipon sa Beijing ngayong araw ang mahigit 200 dalubhasa at iskolar mula sa 18 bansa sa buong daigdig para sariwain ang dalawang digmaang pandaigdig at talakayin tungkol sa natamong aral mula sa naturang dalawang digmaan.
Ayon sa ulat, ang naturang pandaigdigang akademikong simposyum ay natamo ang puspusang pagkatig ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, at itinaguyod ito ng Chinese Academy of Social Science at Academy of Military Sciences of People's Liberation Army (PLA) ng China.
Salin: Li Feng