Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpahayag kahapon ng pagtanggap si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, sa pagsasagawa ng Israel at Palestina ng 12-oras na humanitarian truce sa Gaza Strip.
Nanawagan din si Ban sa dalawang panig na bigyan ng pitong araw na palugit ang naturang tigil-putukan, para mapanumbalik ang prosesong pulitikal, bilang siyang tanging paraang tungo sa kanilang pangmatagalang kapayapaan.
Nang araw ring iyon, nagdaos ng close-door meeting sa Paris ang mga kinatawan ng Pransya, Amerika, Turkey, Qatar, Britanya, Alemanya, Italya, at Unyong Europeo. Nagsanggunian sila hinggil sa paghimok sa Israel at Palestina na isagawa ang mahabang tigil-putukan at idaos ang talastasang pangkapayapaan.
Kinumpirma kahapon ng Palestina na sa halos 20 araw na operasyong militar ng Israel sa Gaza Strip, napatay ang 1030 Palestino at nasugatan ang mahigit anim na libo. Ang karamihan sa mga kasuwalti ay sibilyan. Ayon naman sa estadistika ng Israel, 35 sundalong Israeli ang napatay at mahigit 100 iba pa ang nasugatan.