|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Punong Ministro Abdelmalek Sellal ng Algeria na ang masamang panahon ay posibleng sanhi ng pagbagsak ng Flight AH5017 ng Air Algerie.
Sinabi rin ni Sellal na bagama't dumaan ang naturang flight sa lugar na pinangyayarihan ng digmaan, walang katibayan ngayon na nagpapakitang nagkakaroon ang mga armadong puwersa doon ng mga sandatang may kakayahang pabagsakin ang eroplano sa himpapawid na mahigit sampung libong metro ang taas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |