Inihatid kahapon sa Netherlands ang huling pangkat ng bangkay ng mga nasawi sa insidente ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines. Susuriin doon ang mga bangkay, para tiyakin ang identidad ng mga nasawi.
Samantala, ang pagsisiyasat sa insidente ng pagbagsak ng eroplanong ito ay lubhang naaapektuhan ng walang tigil na operasyong militar sa silangang Ukraine. Sa kasalukuyan, kakaunting tagapagsiyasat ang dumating sa lugar na pinangyarihan ng insidente, at hindi rin maalwan ang kanilang gawain dahil sa sagupaan sa lokalidad. Kaya, mabagal ang proseso ng gawain ng pagsisiyasat.