|
||||||||
|
||
NANINDIGAN ang University of the Philippines College of Law Student Government na mali ang ginawang pagpuna ni Pangulong Aquino sa Korte Suprema sa pagdedeklara nitong taliwas sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program.
Ayon sa UP College of Law Student Government, sinusuportahan nila ang Korte Suprema sa desisyon nito hinggil sa Disbursement Acceleration Program.
Anang samahan, kinokondena nila ang pagbabanta ni Pangulong Aquino ng pagkakaroon ng constitutional crisis kung hindi papaboran ang motion for reconsideration ng ehekutibo.
Ito, ayon sa samahan ng mga mag-aaral, ay isang paglapastangan sa separation of powers at isang kawalan ng paggalang sa Korte Suprema. Hindi sapat ang pagkakaroon ng good faith upang ituwid ang DAP. Nanawagan din silang kailangang magkaroon ng full-accountability mula sa mga taong sangkot sa pagbuo ng DAP, lalo na ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |