|
||||||||
|
||
SAMANTALANG nakatuon ang buong bansa sa Batasang Pambansa upang panoorin at pakinggan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino sa kanyang State of the Nation Address, ang mga mananampalataya sa Diocese of Bacolod at magtutungo sa San Sebastian Cathedral upang magdasal si tiantawag nilang "Prayer Vigil for Integrity, Accountability and Transparency in Public Service" matapos ang Misa sa ganap na ika-anim ng gabi.
Ayon kay Rev. Cr. Felix Pasquin, layunin nilang mamulat angmga mamamayan na nangangailangan ng tunay na public service na magkaroon ng integridad, pananagutan at katapatan, nang walang cover-ups, corruption at self-serving agenda.
Magkakaroon ng magsasalita hinggil sa "Three Branches of the Government and DAP," "Issues on DAP" at "Integrity, Accountability and Transparency in the Biblical Perspective."
Magbibigay din ng mensahe at pagbabasbas si Bacolod Bishop Vicente M. Navarra sa mga dadalo sa pagtitipon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |