Sa isang bukas na debatehang idinaos kahapon ng UN Security Council hinggil sa isyu ng kooperasyon ng UN at mga organisasyong panrehiyon sa mga aksyong pamayapa, sinabi ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat palakasin ng UN at mga organisasyong panrehiyon sa Aprika na gaya ng Unyong Aprikano ang koordinasyon sa mga aksyong pamayapa, para mapatingkad ang kani-kanilang sariling kahigtan at mapataas ang episiyensiya ng mga aksyong pamayapa.
Ipinaliwanag ni Liu na bilang tugon sa mga masalimuot na isyu sa Aprika, may kahigtan ang mga organisasyong panrehiyon na gaya ng Unyong Aprikano sa mga aspekto ng medyasyon sa hidwaan, pagsasagawa ng aksyong pamayapa, at iba pa. Aniya, kung palalakasin ng UN at mga organisasyong ito ang kooperasyon at koordinasyon, mas madaling makikita ang komprehensibong solusyon sa naturang mga isyu.
Salin: Liu Kai