Ipinatalastas kahapon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na sasailalim sa imbestigasyon si Zhou Yongkang, dating mataas na opisyal ng CPC at security chief ng bansa, dahil sa paghihinalang "grabeng paglabag niya sa mga disiplina."
Dagdag ng Komite Sentral ng CPC, batay sa Constitution ng CPC at mga regulasyon ng CPC discipline inspection organs hinggil sa case investigation, isinasagawa ng Central Commission for Discipline Inspection ng Komite Sentral ng CPC ang naturang imbestigasyon kay Zhou.
Salin: Liu Kai