|
||||||||
|
||
Kahapon nag-usap sa telepono sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Philip Hammond, Ministrong Panlabas ng Britaniya.
Hinggil sa insidente ng pagbagsak ng MH17 ng Malaysia Airlines at kalagayan sa Ukraine, ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, dapat isagawa ang nagsasarili, obdiyektibo at makatarungang imbestigasyon sa lalong madaling panahon. Nanawagan ang Tsina na dapat mabuting magkooperasyon ang iba't ibang kinauukulang panig sa proseso ng imbestigayon.
Sinabi ni Wang na ang insidente ng pagbagsak ng MH17 ay nagpakita nang paglawak ng negatibong epekto ng krisis sa Ukraine. Umaasa siyang ang naturang insidenteng ito ay maaaring maging isang bagong pagkakataon para pasulungin ang progreso ng paglutas ng krisis sa Ukraine.
Ipinahayag ni Philip Hammond na ang isyu ng Ukraine ay may kinalaman sa kaligtasan ng buong daigdig, dapat lutasin ang isyung ito sa pulitikal na paraan sa lalo madaling panahon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |