Idinaos kamakailan sa Dushanbe, Tajikistan, ang pulong ng mga ministrong panlabas ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Ayon kay Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na kalahok sa pulong na ito, ginawa sa pulong ang paghahanda para sa Summit ng SCO na idaraos sa Dushanbe sa darating na Setyembre ng taong ito. Pinagtibay sa pulong ang mga burador na dokumento para suriin sa naturang summit.
Sinang-ayunan sa pulong ng mga kasaping bansa ng SCO na palakasin ang magkakasamang paglaban sa terorismo, ekstrimismo, at separatismo, at palalimin ang kooperasyon sa komunikasyon, enerhiya, pinansyo, at iba pang aspekto.
Narating din sa pulong ang komong palagay hinggil sa pagtanggap ng SCO sa paglahok ng ibang bansa bilang kasapi, at pinagtibay ang mga burador na dokumento hinggil dito.