Bilang tugon sa pagbibigay ng Hapon ng pangalan sa limang affiliated islands ng Diaoyu Island, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na binigyan na ng panig Tsino ng pangalan ang lahat ng affiliated islands ng Diaoyu Island, kaya ilegal at imbalido ang naturang aksyon ng Hapon.
Dagdag pa ni Qin, ang Diaoyu Island at mga affiliated islands nito ay likas na teritoryo ng Tsina, at ang naturang aksyon ng Hapon ay hindi magpapabago sa katotohanang ito. Aniya pa, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang mga aksyon ng Hapon na lumalapastangan sa territorial sovereignty ng Tsina.